Saturday, October 24, 2009

Nadulas?

... dalawang araw pagkatapos lumabas ang "expose" ni EllaGanda (isang blogger) tungkol sa mga nakaimbak na relief goods sa DSWD warehouses

... at pagkatapos ipagdiinan ng mga kinauukulan na nanawagan naman sila for volunteers, wala nga lamang masyadong pumunta

...finally, for the very first time, may nakita akong panawagan! (Take note, never talaga ako nakarinig o nakabasa ng call for volunteers galing sa DSWD noong nakaraang mga linggo since dumating sina Ondoy at Pepeng, pramis!)

Dito nga lang ...

Since masyadong maliit ang fonts, eto yung part na gusto kong makita ninyo, yung bottom two posts:Hindi ko lang napigilang magtaka kung bakit may nakalagay na NOW doon sa post. Para kasing, ang dating eh, ngayon lang talaga sila nananawagan sa tao na kailangan nila ng volunteers.

Kung akin yang Twitter account at matalino akong tao, ang ilalagay ko doon instead of NOW eh STILL or kaya naman eh CONTINUES TO LOOK FOR para naman hindi halatang ngayon lang talaga kami umaaksyon tungkol sa dilemma ng kawalan ng volunteers.

Yun naman eh, naisip ko lang.

Ang tanong, tama kaya ako at may dapat tamaan d'yan sa tabi-tabi? Kayo ang humusga!

No comments: