Sa panahon ng kalamidad, dapat ang inuuna ng mga gustong tumulong eh yung PAGTULONG! Hindi yung pagpapa-print ng tarpaulin, stickers at mga labels na itatapal sa mga relief goods!!!
Bukod sa extra gastos yang mga yan, sana yung perang ginamit eh isinama na rin sa pondo na ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo.
Ang malaking tanong: MANNY VILLAR, paano mo babawiin ang bilyon-bilyong pinag-gagastos mo galing sa sarili mong bulsa kung ikaw ang maluluklok sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa susunod na taon?
PINOY, mag-isip-isip ka na ngayon pa lang! Iboboto mo ba ang ganitong klase ng pulitiko na nagpapabango ng pangalan para sa eleksyon kaya lang tumutulong? Maniniwala ka pa rin ba hanggang ngayon sa mga propagandang gaya nito? Magpapauto ka ba kay "Mami Villar"?
Sabi ng iba, ok lang daw yun kasi nakatulong naman. Excuse me, kahit saang anggulo tingnan, WRONG MOTIVES eh.
Taos puso ka dyan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment